Saturday, December 12, 2009

PAGKATAPOS NG ISANG LINGGO:
LABANANG PACQUIAO VS. COTTO, VERA VS. COUTURE

RENATO REDENTOR CONSTANTINO
GMAnews.tv
November 23, 2009

Makalipas ang pitong araw, panahon nang balikan ang bonggang banatan na naganap sa pagitan ng apat na bigating mandirigma. Ang dami na rin kasi ng sumulat sa akin tungkol sa nakaraang mga salpukan.

Sa Manchester Evening News Arena sa Manchester, England, bumangga si Brandon "The Truth" Vera kay Randy "The Natural" Couture sa light heavyweight division ng UFC 105.

Sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, US, hinarap ni Manny Pacquiao si Miguel Cotto para sa welterweight title ng WBO.

Alam na ng lahat ang resulta – tinatak na ni Pacquiao ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng boksing bilang unang boksingero sa buong mundo na nanalo ng pitong titulo sa pitong weight class.

Sa larangan naman ng mixed martial arts (MMA), nagwagi si Couture laban kay Vera sa pamamagitan ng unanimous decision.

Pagkatapos ng isang linggo – pagkatapos ng isang linggong pagwawagayway ng bandila't pagtutumba ng sandamakmak na serbesa't ginebra – panahon nang tingnan muli ang dalawang nasabing laban batay sa ialng anggulong hindi gaano nabigyan ng pansin ng maraming komentarista sa Pilipinas.

1. Mayroon pa bang natitirang palusot kung bakit hindi dapat ilagay si Pacquiao sa Top Twenty Fighters of All Time?
Wala na. Ubos na ang palusot na maaring gamitin upang hindi kilalanin ang nakamit na tagumpay ni Pacquiao sa boksing.
Tanging paungot-ungot na lang ang nalalabi sa pangunguna ng mga katulad ng boxing writer na si Vivek Wallace ng respetadong EastSideBoxing.com.

Ayon kay Vivek, droga daw – posibleng nagse-steroids daw si Pacquiao at ito lang ang maaring paliwanag kung bakit nakayanan ni Pacquiao na abutin ang tugatog ng mundo ng boksing ngayon. [1]

Isa lang ang dapat itawag kay Wallace. Tulad ng mga nagrereyna at naghahari sa Malakanyang, isa siyang tukmol. (Si Floyd Mayweather, Sr. din, ang dating coach ng kanyang anak na si "Money" at naging trainer ni Hatton sa laban ng Briton kay Pacman, ganito ang himig.)

2. Baka naman mayroong isyu pa sa kahandaan ni Cotto na sumabak sa laban?

Wala po. Preskong presko si Cotto nang magharap sila ni Pacquiao. Kitang-kita sa unang round niya kay Pacquiao na eksakto ang timbang ng Puerto Rican.

Hindi maaring ituring na laos si Cotto, tulad ng naging paratang kay Morales, Barrera, at De La Hoya. (Hindi man ako sang-ayon sa nasabing paratang, ito ang naging palusot ng marami sa boxing world kung bakit nagulpe ni Pacquiao ang mga nasabing mandirigma).

Hindi maaring ituring na "drained and dehydrated" si Cotto tulad ng akusasyon ng marami kay De La Hoya at Hatton.

May puntos man ang isyung ito hinggil sa kondisyon ni Golden Boy nang labanan niya si Pacquiao, hindi dapat kalimutan na bahagi pa rin si De La Hoya – at si Hatton – sa kinikilalang hanay ng elite fighters.

Sa parehong laban, ang babala pa nga ng marami ay baka malagay pa sa peligro ang buhay ni Pacquiao. Maling mali.

3. Tama ba ang sabi ng ilan na hindi pa rin talaga nasusubukan si Pacquiao?

Mali. Si David Diaz, may power pero walang bilis.

Si Cotto, parehong mayroon. Dinaig lang talaga siya ng mas mahusay na boksingero. Ito rin mismo ang sinabi ni Cotto.
Tunay na welterweight si Cotto. Siya'y top rank na boksingero at kinikilalang isa sa pinakamalakas sa kanyang dibisyon. Dating kampeon si Cotto at si Antonio Margarito lang ang talagang nagpaluhod sa kanya. Pinatunayan ni Pacquiao sa kanyang laban kay Cotto na hindi lamang niya binitbit ang kanyang bilis at lakas kahit na siya'y umakyat ng timbang.

Pinakita rin ni Pacquiao na kaya niyang indahin ang mga suntok mula sa isang tunay na welterweight. Tinamaan si Pacquiao ng maraming kakila-kilabot na jab, right uppercut, at left hook mula kay Cotto. Naramdaman ni Pacquiao ang bigat ng kamao ni Cotto. Ngunit ilang ulit mang pumilantik ang ulo ni Pacman at ilang beses mang nasapol ang kanyang tadyang, hindi nanghina ang tuhod ni Pacquiao, hindi siya nahilo o gumewang-gewang.

Kung may matinding epekto ang mga suntok ni Cotto, ganap na babagal ang footwork at bilis at dami ng kombinasyon ng kanyang kalaban. Hindi ito nangyari. Halos kalahati nga ang tumamang suntok ni Pacquiao –336 – kumpara sa 172 ni Cotto.

Napakalaki na inunlad ni Pacquiao magmula ng agawin niya ang junior featherweight title Lehlohonolo Ledwaba noong 2001. Hindi na siya ang one-dimensional na boksingero noong una niyang hinarap si Morales noong 2005. Dati ang tangi niyang sandata ay ang kaniyang kaliwa – madaling basahin.

Tama ngang tawagin niyang master si Roach ngunit wasto ding isuot niya ang lahat ng papuri ngayon sa kanya dahil pinakita niya ring handa pa siyang matuto at sumunod sa gameplan. Lahat ng anggulo, parehong kamao, komplikadong footwork, tibay ng panga, kondisyon ng katawan, disiplina ng pag-iisip – ito ang dala ni Pacquiao ngayon sa kanyang mga laban.

Ang resulta – talagang talbog ang dekalidad na Cotto sa paraang napahanga pa ang lahat ng mga nakapanood sa laban.
Wika nga ni Tim Dahlberg ng Associated Press, "Pacquiao didn't merely beat a world-class fighter, but systematically dismantled him." [2]

Ano pa man ang maaring resulta ng salpukan nila ni Floyd Mayweather, Jr. – kung mangyari man (ang unang pustahan ay kung papayag si Mayweather) – wala nang kailangan patunayan si Pacquiao. Malamang na kilalanin siyang pinakamahusay na boksingero sa kanyang henerasyon.

4. Dapat na bang itala si Pacquiao kasama ng Top Fifteen Fighters of all Time?

Pasensya na mga kapatid, pero hindi. Para sa akin, lampas na ni Pacquiao ang mga katulad nina Alexis Arguello, Salvador Sanchez, Roy Jones Jr. at, oo, pati na sina Julio Cesar Chavez at Bernard Hopkins. Pero sa Top Fifteen, masyado pang maaga.

Kung Pinoy ang iyong tatanungin, malamang walang kurap siyang sisigaw na "Dapat lang!" Kung ikaw ang nagtanong, tungkulin mong alamin ang pinanghahawakang batayan ng iyong tinanong.

Ang bansag na "All-time great" ay hindi basta-basta. Hindi ito pinapataw sa paborito ng panahon, maging sa napupusuan ng isang buong henerasyon. Huwag tayong magmadali na isalaksak si Pacquiao sa listahan ng Fifteen Greatest Fighters of All Time kung hindi natin kabisado ang nagniningning na kasaysayan ng boksing.

Pagkalipas na pagkalipas ng panalo ni Pacquiao kay Cotto, sinubukan kong agad na ilista ang para sa akin ay labinlimang pinakamahusay na mandirigma sa kasaysayan ng boksing.

Maliwanag na hindi ako handang magbawas ng kahit na isa – na mapalitan ni Pacquiao ang sino man sa aking listahan. Eto sila (pero hindi batay sa ranggo o weight class):

1. Sugar Ray Robinson
2. Joe Louis
3. Muhammad Ali
4. Thomas Hearns
5. Roberto Duran
6. Joe Frazier
7. Jack Johnson
8. Jack Dempsey
9. Rocky Marciano
10. Henry Armstrong
11. Pernell Whitaker
12. Sugar Ray Leonard
13. Larry Holmes
14. Sonny Liston
15. Marvin Hagler

Hindi ko makuhang maglaglag sa listahang ito ng kahit na isa. Tulad ng nasulat ko, hindi basta-basta ang malagay sa listahang ito. Kung hindi mo pa napapanood ang mga laban ng mga mandirigma sa listahang ito, hanapin mo ang kanilang mga laban. Panoorin mo.

Ang record nila magbibigay ng katiting na katibayan kung bakit sila hinirang na pinakamahusay.

Si Sugar Ray Robinson – 85-0 bilang amateur (wagi sa 69, at 40 nito first round KO). Ang pro record ni Robinson, 128-1-2 kabilang ang 84 KO.

Si Duran, 119 ang propesyonal na laban; 103 ang panalo, 70 ang KO.

Si Hearns, 155-8 ang amateur na laban, at 67 ang laban bilang pro (61 KO).

Si Hagler, 62-3-2 (52 KO).

Kung may pag-iisipan man ako – kung pepwersahin ako – titimbangin kong tanggalin si Leonard at si Sweet Pea Whitaker. Pero malamang hindi ko sila tatanggalin. Kung sasabihan akong "Basta! Pumili ka kahit isa!", si Leonard ang ilalaglag ko, pero dahil lamang pinilit ako.

Pag tinalo niya si Mayweather Jr. sa 2010, posibleng may dalawa o tatlong bababa sa aking listahan at tiyak na papasok si Pacquiao – posibleng derecho sa loob pa ng Top Ten, depende sa uri ng kanyang pagkapanalo.

Hindi pa tapos ang listahan ng mga kailangang harapin ni Pacquiao bago siya hirangin ng kasaysayan na maging walang kaduda-dudang bahagi ng Top Fifteen All-Time Greats.

Nandiyan pa rin ang mas mapanganib na Shane Mosley. Nakaharang pa rin si Mayweather Jr. sa pintuan (wala si Mayweather sa aking Top Twenty), Paul Williams at Edwin Valero.

Para makapasok ka sa Unang Labinlima, napakaraming dahilan na kailangang itimbang – oo, kasama na dito ang pagkakapanalo ni Pacman ng pitong titulo sa pitong magkakaibang weight class, pero isa lamang ito sa maraming dahilan.

Sa susunod na ulat, talakayin natin si Pacquiao at si Gabriel "Flash" Elorde, ang pampulitikang ambisyon ni Pacman at ang komentaristang si Trinidad (isa sa mga paborito ko ngayon ngunit masyadong marami pa rin ang karaniwang sablay).

Hinggil sa UFC 105, narito ang aking mga pagtingin:

Una: Maliwanag pa sa sikat ng araw na kapag nagsabay ang top rank na laban ng UFC at boksing, talagang musmos pa ang koponang MMA.

Saksakan man ng dami ng problema ng professional boxing, iba pa rin ang hatak nito kumpara sa UFC. Iba ang lalim na pinaghuhugutan ng boksing pagdating sa drama ng labanan.

Ikalawa: Kontrobersyal uli ang hatol ng hurado sa salpukan ni Couture at Vera, tulad ng nakaraang labanang Machida-Rua.

Nakaiwas si Couture sa unang tatlong sunod-sunod na pagkatalo sa kanyang career –29-28 ang score ng lahat ng huwes sa kanilang laban –ngunit marami uli ang hindi sumang-ayon sa resulta ng desisyon, sa pangunguna ng komentaristang si Joe Rogan ng UFC (Ani Rogan, "We have a real problem with judging in MMA.").

Posibleng nagwagi talaga si Couture, pero tila dapat pabor kay Vera ang naging desisyon.

Sang-ayon ka man o hindi sa naging hatol ng hurado ng Couture-Vera, ang mga hindi maipagkakaila ay:

Sa edad 46, pinakita muli ni Couture kung bakit may karapatan siyang hamonin ang lahat ng pinakamahusay sa kanyang dibisyon. Pero bilang na bilang na ang mga araw ng The Natural. Sa katunayan, bumaba na ng husto ang kalidad ni Couture. Bumagal na ang reflexes niya at kitang kita na mas mabilis na siyang tinatablan ng mga hataw ng kanyang mga kalaban.

Hindi si Couture ang tunay na kaaway ni Vera. Si Vera ang talagang kalaban ni Vera – sarili niya. Napamalas man ni Vera ang kanyang patuloy na humuhusay na talento, kwestiyonable pa rin ang tibay ng kanyang mentalidad at ang kanyang physical conditioning.

Pinakita uli sa labang ito na mahina pa rin ang cardio ni Vera. Naubusan na naman ng gasolina si Vera, tulad ng nangyari sa huling niyang apat o limang laban. May ilang pagkakataon si Vera para mailigpit si Couture, pero kinulang siya uli sa bodega (at sa stratehiya)

Hindi intelihente ang pag-execute ni Vera sa kanyang stratehiya. Hindi niya na-impose ang kanyang sarili kay Couture at kinulang siya sa agresyon sa mga pagkakataong hindi niya dapat nilubayan ang kanyang kalaban.

Nahirapan si Couture kay Vera, hindi ito maipagkakaila. Ngunit pag dating sa clinch, hindi si Vera ang dominante, kahit na sa huling round sa wakas na-takedown din niya si Couture.

Asintado ang mga sipa ni Vera pero sa maraming pagkakataon, si Couture pa rin ang tila nagko-kontrol sa kanilang laban, mula sa positioning hanggang sa kung hanggang kailan tatagal ang stand-up. Maaring sabihin na nakarami ng hataw na tumama si Vera, pero tila malaki ang naging pagtimbang ng mga huwes sa kakayahang i-kontrol ang laban.

Kung nais ni Vera na mabigyan ng pagkakataon na makaharap ang may hawak ng titulo ng light heavyweight, hindi pwedeng talento lang ang kanyang bitbit sa laban. Higit pang agresyon (iba ang mentalidad ni Vera nang ma-TKO niya noong 2006 si Frank Mir sa round one), mental preparation at smart execution ng fight strategy – ito ang mga susi para ganap na mapasok ni Vera ang larangan ng top rank fighting sa UFC light heavyweight.

Bata pa siya – wag lang siya mawalan ng puso – malayo pa ang kanyang mararating.

Nasabi ko na dati at uulitin ko uli – hanggang angas at lakas o talento lang ang bitbit ng karamihan sa mga laban sa UFC, hindi makakaengganyo ang mga labanang MMA.

Tingnan mo ang naging salpukan ni Dan Hardy at Mike Swick. (Panalo si Hardy.)

Tuwing mayayanig ni Hardy si Swick, hahayaan niyang siya'y ma-clinch at pipilitin niyang i-takedown ang kanyang kalaban imbis na itulak palayo nang patuloy niyang paulanan ng suntok at tadyak ang hilo niyang katunggali. Ang labo, dong.

-------
[1] Vivek Wallace, "Vivek Wallace speaks on Pacquiao, Cotto, Mayweather, and Margarito's potential innocence," EastSideBoxing.com, 19 November 2009.

[2] Pacquiao takes on Las Vegas," Associated Press, 16 November 2009.
Posted by John Doe at 14:14 | Comments (79) | Trackbacks (0)

COMMENTS/Trackbacks
Trackback specific URI for this entry

No Trackbacks

Comments
Display comments as (Linear | Threaded)

#1 G.I. Joe on 2009-11-23 14:52 (Reply)
Ipalit mo si Pacman kay Pernell Whitaker. Compare his boxing history.
#1.1 Allan on 2009-11-23 15:43 (Reply)
I agree w/ u Joe. But for me TOP 20 or 30 ATG is more than enough.

And FYI. Hatton is not weight drained or dehydrated when Pacman and him fought. They fought on Hatton's best weight w/c is ate 140lbs, he was considered as the lineal champ at 140.
#1.2 Noel Morris on 2009-12-08 13:31 (Reply)
Please click and share the link below..find out why Manny is winning

http://www.youtube.com/watchv=LTe_eKyJbIM
#2 eden on 2009-11-23 15:55 (Reply)
Ibang iba na ang image ni Pacman WORLD CLASS..7 titles sa ibat ibang division..siya lang naka gawa nito sa larangan ng boksing..

Nakilala ang Pinas sa buong mundo sa larangan ng boksing..sa maraming taon na nagdaan nakilala rin si Elorde sa larangan ng boxing..ng mga panahon na yon inidolo na natin siya na pinaka mahusay..

At hindi natin akalain na may isa pang Pinoy na sumunod kay Elorde na mas higit na mahusay at nagbigay ng mas mataas na karangalan sa Pinas..

Hindi talaga biro biro ang mga naka-laban ni Pacman..he is great fighter..

Kung iisipin talaga sa mga naka-laban niya imposible..magaling talaga..
#3 bobong on 2009-11-23 16:05 (Reply)
Are you serious in not including Pacquiao as one of the 15 greatest fighters of all time?

Look at what weight he started his boxing career? Merong bang nakagawa nito. Add to the fact that he is the only boxer in history who have conquered seven different weights.

Me nakagawa ba nito. And think also the caliber of boxers nowadays. Iba na sila. They moved and boxed scientifically.

Hope you study also your boxing analysis. I can not see your point Pare.
#4 who on 2009-11-23 16:05 (Reply)
Pacman is a good fighter..

Thanks at binigyan mo ng malaking karangalan ang Pilipinas..at nakilala tayo sa buong mundo sa larangan mg boxing..

balato..biro lang..
#5 montoya on 2009-11-23 16:11 (Reply)
Real name Ray Charles Leonard
Nickname(s) Sugar
Rated at Welterweight
Nationality United States American
Birth date May 17, 1956 (1956 05 17) (age 53)
Birth place Wilmington, North Carolina, USA
Stance Orthodox
Boxing record
Total fights 40
Wins 36
Wins by KO 25
Losses 3
Draws 1
No contests 0

Real name Pernell Whitaker
Nickname(s) Sweet Pea
Rated at Lightweight
Welterweight
Nationality United States American
Birth date January 2, 1964 (1964 01 02) (age 45)
Birth place Norfolk, Virginia, U.S.
Stance Southpaw
Boxing record
Total fights 46
Wins 40
Wins by KO 17
Losses 4
Draws 1
No contests 1

Real name Emmanuel Dapidran Pacquiao
Nickname(s) PacMan
Fighting Pride of the Philippines
The Mexicutioner
Rated at Welterweight
Height 5 ft 6.5 in (1.69 m)[1]
Nationality Philippines Filipino
Birth date December 17, 1978 (1978 12 17) (age 30)
Birth place Kibawe, Bukidnon, Philippines[2]
Stance Southpaw
Boxing record
Total fights 55
Wins 50
Wins by KO 38
Losses 3
Draws 2

hoy mamang writer tingnan mo nga itong mga records ng dalawang boksingerong nilagay mo sa top 15 at ikumpara sa record ni pacquiao at ng magising ka sa katotohanan!!! si whitaker may 17 ko's lang at si sugar ray na mas kahanga-hanga ang ring record kumpara kay whitaker ay may 25 ko's PERO ITONG SI PACMAN NA ALINLANGAN KANG ISAMA SA TOP 15 AY MAY KAGILAGILALAS NA RING RECORD NA 50 WINS AT 38 KO'S KUMPARA KE WHITAKER NA 17 KO'S AT KAY SUGAR RAY NA 25 KO'S!!!!!!!!!! In 2002, Ring Magazine ranked Whitaker as the 10th greatest fighter of the last 80 years. AYAN KOMO NAITALA NG RING MAGAZINE SI WHITAKER E GUMAGAYA KA NA AT DI KA NAG-IISIP NG SARILI MO ANALYSIS!!! MAMANG RED CONSTANTINO HOY GISIIIIINGGGG!!!!!
#6 pepe on 2009-11-23 16:13 (Reply)
Bobong
i agree..dapat lang na malagay si Pacman sa 15 greatest fighter..wala pang nakakagawa sa 7 titles sa ibat ibang division..siya lang history na nga..
#7 eden on 2009-11-23 16:25 (Reply)
Dapat lang masama siya sa top 15..ito nalang laban ni Pacman kay Cotto..tignan nalang kung gaano kagaling si Cotto at kung gaano "kalalaki" ang mga pinabagsak ni Cotto kumpara kay Pacman..at ma TKO ni Pacman si Cotto WORLD CLASS..pare..

Talagang BEST..
#8 montoya on 2009-11-23 16:31 (Reply)
hoy mamang writer si george foreman di mo nilagay sa top 15 mo at isiniksik mo yang si whitaker??? George Foreman He became the oldest man ever to become heavyweight boxing champion of the world when, at age 45, he knocked out Michael Moorer, to reclaim the title he held 20 years earlier. He has been named one of the 25 greatest fighters of all time by Ring magazine. Ayan nasa ring magazine din sya pero bakit si whitaker nasa top 15 mo at wla tong si foreman? Si Pacquiao na kauna-unahang boksingero sa BUONG MUNDO na nakasungkit ng PITONG TITULO sa PITONG magkakaibang dibisyon ang di mo nilagay sa TOP 15 mo??? Di ka ba tumitingin sa mga RECORDS NA NAITALA NG MGA BOKSINGERO TULAD NINA GEORGE FOREMAN AT MANNY PACQUIAO??? NATURINGAN KANG WRITER DI KA NAMAN MARUNONG MAGSALIKSIK NG MGA RECORDS NA NAITALA NG MGA NASABING MGA BOKSINGERO! BAGAY SA IYO MAGSULAT NA LANG NG MGA TSISMIS AT BAKA MAKILALA KA PA NG HUSTO!
#9 montoya on 2009-11-23 16:46 (Reply)
Para makapasok ka sa Unang Labinlima, napakaraming dahilan na kailangang itimbang – oo, kasama na dito ang pagkakapanalo ni Pacman ng pitong titulo sa pitong magkakaibang weight class, pero isa lamang ito sa maraming dahilan.
Anong dahilan mo para maipasok itong si whitaker sa top 15 mo??? bigay mo nga at ibibigay ko din mga dahilan kung bakit DAPAT KASAMA SA TOP 15 SI MANNY PACQUIAO! SUSME KUMPARA MO NAMAN SI WHITAKER KAHIT KAY ALEXIS ARGUELLO IT PALES IN COMPARISON! SINA GUADALUPE "LUPE" PINTOR AT WILFREDO GOMEZ KILALA MO BA? SINA REY BOOM BOOM MANCINI, SALVADOR SANCHEZ AT ALEXIS ARGUELLO MAS KILALANG DI HAMAK KUMPARA KAY WHITAKER TAPOS SYA NASA TOP 15 MO??? PARE YOU'RE NOT DOING YOUR HOMEWORK! I SUGGEST YOU GO BACK TO COLLEGE AND FINISH WHAT YOU HAVE TO FINISH OTHERWISE DO US A FAVOR AND STOP WRITING ARTICLES YOU KNOW NOTHING ABOUT!!!
#9.1 Joaquin Henson on 2009-11-24 07:51 (Reply)
Hoy, Montoya.
Para kang si Chino Trinidad magcomment ah. Hehe! Alamin mo muna kung nasa posisyon ka, hindi ka naman talaga boxing analyst eh. Hihi!
#9.1.1 montoya on 2009-11-24 15:33 (Reply)
sa larangan ng boksing ang pinagbabasehan ay yung DAMI NG KNOCKOUT NG ISANG BOKSINGERO SA KANYANG MGA PANALO. BAKIT KAMO? KASI DUON NASUSUKAT ANG LAKAS NG SUNTOK NG ISANG BOKSINGERO KAYA NAMAN DUN SYA KINAKATAKUTAN! Si Whitaker na isinama ng mamang writer na ito ay may 17 KNOCKOUTS LANG SA BUONG CAREER NYA E SI PACMAN MAY 38 KNOCKOUTS! Yan e simpleng analysis lang! Dapat ding IPAINTINDI SA MAMANG WRITER NA ITO NA TANGING SI PACQUIAO LANG NA ISANG PILIPINO ANG NAKAPAG-UWI NG PITONG KORONA SA PITONG MAGKAKAIBANG DIBISYON SA LARANGAN NG BOKSING AT YUN AY NAKATALA NA SA HISTORY NG WORLD BOXING!!! YAN BA AY DI PA SAPAT NA MAISAMA SYA SA TOP 15 BEST FIGHTERS IN THE WORLD? MATATAAS LANG ANG ERE NG MGA TAONG AYAW TANGGAPIN SI PACQUIAO KASI DI NILA MATANGGAP NA ISANG MALIIT NA PINOY ANG TATALO SA KANILA AT GAGAWA NG ISANG WORLD RECORD NA KATULAD NG MAMANG WRITER NA ITO NA NATURINGAN PA NAMANG ISANG PILIPINO DIN! SHAME ON YOU!!!
#9.2 thereinz on 2009-11-24 17:54 (Reply)
hi... watch out there...
you might not exactly appreciated what was written on this column..
watch your words man...
#10 marvel on 2009-11-23 17:45 (Reply)
Dapa't nandyan din si Lennox Lewis - undefeated champion hanggang sa nag-retire.

Hindi mo dapa't kalimutan si Manny Pacquiao d'yan. Saan ka nakakita ng 7 division ang pinanik na walang tumalo. Lahat ay pinabagsak niya. Ano pa ba ang gusto mong achievement ni Pacquiao. Para maihanay mo s'ya sa magagaling na boksingero.

Baka naman BALATO lang ang hinihintay mo para maisama mo sa listahan ng mahuhusay na boksingero.

Pasens'ya na at komento ko lang ito.
#10.1 elmz on 2009-11-23 18:15 (Reply)
marvel, natalo si lennox lewis ng isang nagngangalang rahman, di ko lang matandaan kung anung year..
#10.1.1 elmz on 2009-11-23 18:24 (Reply)
nasaliksik ko na. twice palang natalo si lennox. seems you don't know what you're saying...

check this: http://en.wikipedia.org/wiki/Lennox_Lewis
#10.1.1.1 marvel on 2009-11-24 11:30 (Reply)
Bro sorry ha? Tao lang.
#11 579kaliwete on 2009-11-23 18:10 (Reply)
Red,
Napaka hirap mo namang i-please...
Ano pa ba naman ang hahanapin mo sa achievement ni manny...???
OK, maywether jr...tatapusin nya muna ito...after that what?
Wala ng pwede pang itapat kay manny...
Maliban nalang kung gugustuhin nyang sumabak sa winner ng mosley-berto fight.
But at his point, kung di pa rin kasama sa listahan mo si Manny ay may deperensya ka lang talaga.... O Baka inggit ka lang sa kanya...
Saka "Red Constantino List"???
Never heared the before.... Elite boxing commentator ka ba? As a matter of fact, naging boxer ka ba????
You don't have any credibility at all to make this list.
#12 kaliwete975 on 2009-11-23 18:22 (Reply)
So bakit ka nakikigulo rito tukayo? Kung ayaw mo ng blog huwag kang makisali! hihihi! Ikaw, ang ang kredibilidad mo? MUKHANG PERA??? TUTA NG KANO???
#12.1 579kaliwete on 2009-11-24 04:42 (Reply)
Nababakla kana yata sa akin ah....Di na nga kita pinapatulan kasi batang isip ka, panay pa rin ang sunod mo sa akin... Type mo ba ako???Sorry, di ako pumapato sa bakla.....
#12.1.1 kaliwete975 on 2009-11-24 13:31 (Reply)
Hahaha! lahat na lang talaga kinokontra mo! Wala ng tama sa iyo kundi IKAW,(yes IKAW nga) na MUKHANG PERA! hahaha!

Dapat gumawa ng sarili mong blog, para ikaw naman ang mamura at laitin hindi puro ikaw lang ang nanglalait...bawal sa amin ang BAKLA hindi katulad mo California Flip!

Si Pacquaio, para lang manok na lumalaban dahil sa PERA!hihihi

Wawa naman si TUKAYO mukhang pakumbo! hakhakhak!
#12.1.1.1 579kaliwete on 2009-11-24 20:03 (Reply)
Di mo pa kasi aminin eh.....Nauunawaan ko ang damdamin mo para sa akin.... OK lang yan kasi di mo talaga kayang pigilan ang humanga sa kapwa lalake lalo na't CLOSET GAY ka.
I hate to break your heart....Di lang talaga kita type. Straight ako...sa opposite sex lang ako pumapatol. PEro ok lang sa akin na sundan mo lahat ng mga comment ko...OK lang mag parandam ka na binabasa mo every post ko dahil kahit walang relevance ang mga reply mo, babasahin ko rin to show respect sa obsession mo sa akin.
I want you to know that I appreciate you being my number one fan.... Wag ka lang aasa na mag kakaroon ng string attachment tayo....wag ka ring aasa na makikipag relation ako sa iyo kahit na internet....
Ipag patawad mo....
But, really...flattered ako sa mga pinapakita mong pag hanga sa akin.. kahit di mo pa ako nakikita...kahit sa alias ko lang ay kontento ka na...
Sana makuntento ka na rin sa ganitong set up....Di kasi talaga pwede ang gusto mong mangyari.....
#13 Anonymous on 2009-11-23 18:43 (Reply)
gago kang writer k,hindim k dapat s posisyon mo,magtinda k nalang ng goto s quiapo,ulol...
#14 anonymous boxer on 2009-11-23 19:08 (Reply)
hoy mamang writer bulag ka po ba o naghihintay ka lang ng BALATO,,, o baka naman lagi ka talo kasi nakapusta ka lagi sa kalaban ni pacman..... sorry po mga kababayan ganyan tlaga ang ibang pilipino mga inggitero... para sa akin dapat pasok na sya....
#15 Anonymous on 2009-11-23 20:37 (Reply)
manny pacquiao gives hope to the Filipinos.
#16 Anonymous on 2009-11-23 21:37 (Reply)
Ang sa akin lang- hindi mo na rin maisasantabi ang naipakitang kakayahan ni Pacquiao..

Pero sana bigyan naman ng pansin ang mga ibang boksingero ng Pilipinas na nagsusumikap makilala at maka pag bigay galang sa ating bansa.
#17 manny pacquiao on 2009-11-23 23:00 (Reply)
wag ka ngang magdunong dunungan masyado kang bohemyo, tayo na lang mag boxing, ano??
#18 RM on 2009-11-23 23:06 (Reply)
huwag nyong paniwalaan itong writer na ito wala naman syang alam sa boxing... wala tong kwentang article.. basura!!!
#19 RM on 2009-11-23 23:14 (Reply)
who's the f****ng Whitaker??? who the h** is he??? please explain Red constantino..
#20 diony on 2009-11-24 00:13 (Reply)
Mga kababayan, pagpasensyahan natin itong si Red medyo KSP kaya sumulat ng ganito. Kung si Arum mismo na ang kinakain araw-araw ay boxing ang nagsabing si PACMAN ang the greatest of all time, kahanay nina ali, etc. Bilang tunay na Pilipino-#1 ang ating pambansang kamao!
#21 diego2 on 2009-11-24 00:14 (Reply)
Naka bili ako ng CD ng laban ni Pacman-Cotto pinakita ang mga laban ni Pacman at ni Cotto preview lang..matitindi ang mga nakalaban talaga ni Cotto hindi biro biro at malalaki ang mga katawan, comparing to Manny..

Kaya tinagurian na "kingkong" (Cotto)ang makakalaban ni Manny..

Mabigat talaga ang labanan..sino nga ba ang mag-aakala na sa itsura ni Manny sa katawan at kategorya niya..hindi makakaya ni Manny na talunin si Cotto..

Kagaya rin ni Dela Hoya..na 2x Junior Middle weight champion..ang pusta "talo" si Manny or 100/80 dehado si Manny..sa kategorya walang sinabi si Manny..

Ng matapos ang laban marami natalo sa pustahan..

Si Manny ay hindi pangkaraniwan ang talento..sa style at lalo nasa bilis ay ma TKO ang tinguriang "kingkong"...

Mabuhay ka Manny WORLD CLASS FIGHTER..ka talaga..
#22 sige on 2009-11-24 00:15 (Reply)
tama si writer,ano nga ba pangalan ng writer na ito,kung ako sa inyo si nanay dionisia ang top 1 na boxer,pangalawa si krista.....diba...
#23 pepe on 2009-11-24 00:40 (Reply)
Mahirap talaga pag Pinoy ang category ay sinasalang mabuti para maitala sa "magic 15" best boxer..

Ang record na nababasa natin ay WBO ang gumawa at hindi si Constantino..trying hard din na mapasama si Manny..

Para sa akin dapat talaga masama siya sa World Best 15..world record na nga yung nagawa niya 7 different titles sa ibat ibang division, mantakin mo yon, at hindi biro biro ang makagawa niyan..kaya nga "history"..
#24 arnel Yap on 2009-11-24 03:03 (Reply)
para sa akin di nagiisip ang columnistang ito, si pakman eh 7 weight divsion, isipin mo from straw weight to world class welterweight. mag isip-isip naman sya.
#25 arnel Yap on 2009-11-24 03:16 (Reply)
Baliw ata itong writer na ito, dapat i boycott ang writer na ito pati na rin network na to.
#26 kuliglig on 2009-11-24 05:16 (Reply)
papansin lang....
#27 Psylom on 2009-11-24 07:15 (Reply)
You have your opinions Red. But I think Pacquiao deserved to be in the top 15 list. What more pa ba ang kailangang i-achieve ng People's Champ. For a small man, it is almost impossible yung nagawa niya ngayon. Can Sugar Ray or Muhammad Ali become what they are now if they were born asians? I don't think so.
#28 Eliseo A. Pagdato on 2009-11-24 07:40 (Reply)
Tama ka Red. Hindi pa panahon para isama si Pacman sa top 15. At mas lalong hindi siya dapat bigyan ng isang parangal ng ating gobyerno. Bakit? Si Pacman lumaban bilang isang professional at hindi sa ilalim ng ating watawat bilang isang amateur. May perang nakataya! Iyon ang trabaho o profession niya.
#29 Mario V. on 2009-11-24 07:55 (Reply)
Yes I agree to all your readers. Pacman should be in the top 15 greatest fighters of all time. Capturing 7 titles in 7 different divisions is extra ordinary. None boxers ever achieved what Pacman accomplished. Thanks
#30 Galing on 2009-11-24 08:51 (Reply)
IKAW NA ANG MAGALING SA BOKSING!!!

IKAW NA LANG ANG PUMALIT!!!

:-)) hahaha...

GALING GALING MO KASI E! :-)
#31 ako ito! on 2009-11-24 08:55 (Reply)
Greatest Boxers Of All Time
#32 gladiator on 2009-11-24 09:47 (Reply)
alam nyo ba gaano kasakit pag tinamaan ka ng suntok ni manny at di mo alam saan galing kasi short punches, kaya walang kapareha si manny nag iisa lang yan he's the greatest of them all.
RC - All of the above boxers you'd mention-you can see their punches when it hit you. But manny you'll never see the killer punch, unless you'll use the slowmo
#33 bobie on 2009-11-24 10:48 (Reply)
hindi po ako panatikong tao, kahit saang bagay, gusto ko lang magre act sa komentaryo nyo,[good or bad publicity is still publicity as they say] pabor pa rin sa inyo, kasi me nagbabasa ng komentaryo nyo.
Ang sabi nyo kung magtatanggal kayo ng isa sa 15 si leeonard ang tatanggalin nyo, para sa akin mali yata. Para sa akin kaya nyo tatanggalin si leonard eh dahil sa hindi sya pumasa sa style nyo, paano naman kung me komentaristang mas magaling sa inyo at sinabing mas magaling si leonard hindi kaya kayo ma irita.Kayo pede kaya kayong ihanay sa magagaling na komentarista pag dating sa larangan ng boxing. nagtatanong lang
po?
#34 karding on 2009-11-24 11:35 (Reply)
pare pag aralan u muna kung anu mga nilalagay u sa kolum u.baka naman nang gagaya ka lang sa mga puti..di talaga sila mag pappatalo kasi puti sila..ngaunsa panahon natin isang pacman lang ang babasag sa kanilang lahat di lang mga puti kundi lahat ng nasyunaliti sa mundo pinataob di pa ba sapat un..gising toll..im just proud to PILIPINO,,ito ang panahon ng isang tunay na PILIPINO kaya wlang mkakaharang,,hahhahahaa
#35 Anonymous on 2009-11-24 11:38 (Reply)
ulol
#36 sohrab on 2009-11-24 11:58 (Reply)
red pare opinion mu yan pero dapat mu tandaan na " a litte learning is a VERY dangerous thing". may mga nasabi k cguro dati n medyo mganda at nagpalakas ng loob mo para magsulat p.pero parang wrong move ka dto pare.d natin pwedeng basta bastahin ung mga nakalaban ni pacman. magagaling cla lahat, no doubt dude.thanks din, nakilala ko yang whitaker. IBA TOL E. iba ung skills ng mga nakalaban nia compared sa mexicans na initsover ni manny.cguro next time kung gusto mo magsulat, ibang topic nlang. pag boxing, i suggest gather k muna maraming relevant information para mabalik ung dangal mu.
#37 propac on 2009-11-24 12:57 (Reply)
hindi basehan dito and win loss record..fyi and basehan is yung titles na nakuha ng isang boxer..dba si pacman lng ang unang nakakuha ng seven division world titles? eh di xa ang numero uno..understood.
#38 wewe on 2009-11-24 13:02 (Reply)
tma ginawa ni RED para marami visit sa site.. GALING!!! ulol
#39 Anonymous on 2009-11-24 13:06 (Reply)
sa tingin ko yung pagkapanalo nya ng 7 titles and is the only one to do that, is enough to include him to be one of the best. Im sorry but i dont agree with your assessment
#40 elmz on 2009-11-24 13:29 (Reply)
mga kapatid,

hindi naman sa pinapanigan ko si mr. red. kaya lang wag naman natin sya masyadong batikusin. maging maingat sana tayo sa ating mga sinasabi kasi nasasalamin dun kung anung klaseng pagkatao meron tayo.. yun ang opinyon nia so irespeto natin. karapatan nia yun.

Okie dokie?

Cheers!! :-)
#40.1 anonymous on 2009-11-24 21:19 (Reply)
It seems you don't know what you're saying...
#41 kanan975 on 2009-11-24 13:39 (Reply)
Sabi ni Mommy Dionisia....

“Pac Mom" said her son has had enough of his share of pounding in the ring, having been in prizefighting since his teenage years.

“Pagkatapos ng laban kay Cotto, nakita ko bugbos-sarado ang mukha niya, andaming pasa, maga pa tenga. Napaiyak nga kami pati si Jinkee, " she said, adding she even relayed her request to Manny’s trainer Freddie Roach and her son’s buddy Buboy Fernandez.
#42 koment on 2009-11-24 13:45 (Reply)
ako ikaw ang aalisin ko sa list ko ng mga boxing commentator.. ok n b s u
#43 Anonymous on 2009-11-24 13:58 (Reply)
Sabi Mommy Dionisia??..give me a break kahit malamog -lamog ang mukha at katawan ni Pacquiao drama lang yan na kesyo naawa sila dalawa Jinkee--kawawa si Manny siya ang nagpapaka hirap ang daming taong nagpapaka sarap sa mga panalo nya!..

Wake-up Manny or you will be bankrupt & will be alone once everything is gone!
#44 eden on 2009-11-24 14:15 (Reply)
Totoo talaga ang pangit ng mukha ni Cotto..puro pasa..parte na ng boksing yan sa ayaw at sa gusto natin ganyan talaga ang sport na yan..may pagka brutal..noong panahon nga ni Mohammad Ali halos lahat ng nakalaban niya halos dina makilala sa pasa sa mukha..ganyan na talaga yan..

Ang naka-kapag taka lang sa kategori ni Manny at Cotto di hamak na mas mahusay si Cotto ay siya pa ang nabugbog..

Inamin naman ni Cotto na magaling si Pacman,hindi nga raw niya alam kung saan nanggaling ang mga suntok ni Manny..

Kung titignan talaga sa normal na laro ay hindi mo talaga aakalain na malalakas ang binibitiwang suntok ni Manny sa slow motion mode doon lang makikita ang matitinding tama at malalakas..hindi naman kalakihan si Manny sa tingin pero ang "suntok" yon ang "malaki" pag tumama..

Magaling talaga..
#45 pepe on 2009-11-24 14:40 (Reply)
Kung minsan nga kahit nga ang laro na hindi boxing nagkakabatuhan nagsusuntukan pati ma-nonood nag rarabulan kadalasan pa nga may namamatay dahil sa kantiyawan..

Noong panahon ni Ali mas matindi kitang kita kung gaano kalaki ang pinsala sa mukha..dyob-dyob lang yun..kita mo naman kung gaano karami ang nanood hangang sa atin sa Pilipinas naka tutok..

Karamihan talaga sa atin mahihilig sa boxing,ang basagan ng mukha ay siyang nagbibigay kasiyahan lalo pag may TKO..

Parte na ng buhay natin ang boxing.totoo marami ang nasisiyahan.
#46 pepe on 2009-11-24 14:49 (Reply)
Tignan natin halimbawa masabay ang kahit anong klaseng sport sa boxing lalo na pag laban ni Ali or Pacman,saan maraming manonood.?
#47 why on 2009-11-24 16:26 (Reply)
natural na mas maraming pilipino ang manonood ng boksing dahil ang mga pilipino magpahanggang ngayon ay mga kampon ng demonyo,no kidding mga taong mahilig sa mga bayolenteng laro ay mga tarantado at walang hiya.
#47.1 anonymous on 2009-11-25 09:30 (Reply)
Shut up. It seems you don't know what you're saying... Go to hell.
#48 Oo on 2009-11-24 16:44 (Reply)
bakit marami ang gusto manood ng mga bayolenteng laro,dahil karamihan sa mga manonood ay mga kampon ng demonyo,mga kampon lang ng demonyo ang nasisiyahan sa panonood ng mga larong nagkakasakitan o nagpapatayan ang mga manlalaro kaya pati mga manonood sila rin ay nagpapatayan.

bayolenteng laro ang paboritong panoorin ng mga taong buang,kampon ng demonyo,sadista at mamamatay-tao!

who cares if those people becomes famous,they all going to die anyway and the prestiges and riches they got will gone as well.

lahat ng yaman at katanyagan nandito sa planetang ito ay magiging abo,kaya bakit pa magpapakadakila ang mga tao,gayon sa abo lang naman mauuwi ang lahat.
#49 ako on 2009-11-24 16:52 (Reply)
where do you think Manny Pacquiao belong anyway,in heaven or in hell?

so what if Pacquiao is not listed in Red Constantino top ten,it won´t affected Manny and will not make Manny less popular,loveless or sad.

what matters,he is still alive,kicking and enjoyed his wealth.
#50 pepe on 2009-11-24 23:36 (Reply)
Masama ang magsinungaling..huwag nyong sabihin na hindi kayo nanood ng boxing..

At bakit naman hinalintulad siya sa langit at impiyerno..mayroon bang langit at impiyerno na sinasabi mo..patunayan mo..
#51 pepe on 2009-11-24 23:44 (Reply)
#47 why on
Dika ba Pinoy..? bakit marunong kang mag sulat ng wikang Pinoy,,anong bansa kaba nagmula..?
#52 (..) on 2009-11-24 23:50 (Reply)
#47"why on"

Sa susunod liliwanagin mo blog mo..ok..
Kung Pinoy ka..

Basahin mong mabuti ang mga isinusulat mo..nakakahiya,,
#53 who on 2009-11-25 00:50 (Reply)
# 48 Oo

Marami talaga ang nag eenjoy sa boxing kahit pa sabihin na may pagkabayulente or ano pa man.. tsaka diba may pinsan,kamag-anak,tiyuhin tiyahin at mga iba pa na mahal mosa buhay na siguro naman ay nakapanood din sila ng boxing..mga demonyo rin sila ganon ba..

Tsaka alam mo "Oo" ang boxing di hamak na marami qang nasisiyahan gaya halimbawa ng mga

Doctors,scientist,Preidente,governador,mayors,congresman,barangay tanod barangay chairman,tindero at tindera sa palengke,magtataho,may ipin at wala,artista,media,may-trabaho wala,manikurista,basket bolista at "naka dami pa nila" hindi lang sa atin maging sa ibat ibang panig ng mundo na may GMA at TFC (ABS CBN) na nakakapanood ng laban ni Manny..MANTAKIN MO YAN..kumpara sa iilan lang kayo..

Walang ka latoy latoy ang blog mo..naninira kalang..
#54 why on 2009-11-25 04:19 (Reply)
ang daming taong affected sa opinyon ko kasi maraming tinamaan sainyo,sorry na lang sainyong mga demonyong tao.

nasisiyahan kayo sa panonood ng nagbubugbugan at naghihiyawan pa kayo sa tuwa,ngayon sabihin nyo nga sa akin kung mabuting tao nga ba kayo?

syimpre mga demonyong tao tuwang-tuwa sa panonood ng laro ng mga demonyo.

hindi na ako magtataka kung bakit malimit pasyalan ng kalamidad ang mga bansang saksakan ng sasama ang mga ugali ng mga tao dahil sa kasalanan ng nakararami pati mga inosente nadadamay.

bato-bato sa langit ang tinamaan nagagalit.
#54.1 anonymous on 2009-11-25 12:55 (Reply)
Ikaw sana ang unang tamaan. Hindi mo kasi alam ang sinasabi mo.

Di ikaw ang demonyo dahil ikaw ang unang tinamaan.

Hinay-hinay lang ang komento. Mamaya nyan mamatanda ka.
#54.1.1 why on 2009-11-25 17:41 (Reply)
paano ako tatamaan hindi naman ako demonyo at hindi ako nanonood ng mga laro ng demonyo at lalong ayaw ko sa mga kampon ng demonyo kaya ka galit dahil tinamaan ka ano ni mous?
#54.1.1.1 anonymous on 2009-11-25 18:02 (Reply)
Paano mo sasabihin na hindi ka demonyo. Eh ganyan ang gawain ng demonyo. Nagpapanggap na mabait yun pala mas masahol pa.

Ang demonyo parang hunyango yan. Kaya wag ka ng magpanggap na mabait. Hindi bagay. Kasi nalalaman sa mga sinasabi mo. Hindi nanonood. Tumigil ka nga at wag kang hipokrito. O baka naman natalo ka sa pustahan kaya ka ganyan. Ay kawawa ka naman. Sige na wag na tayong mag-away. Kung demonyo ka, di demonyo ka. OK na yun.
#55 why on 2009-11-25 04:29 (Reply)
ilan beses ng pinarusahan ng Diyos ang mga bansang pugad ng masasamang tao pero sa halip na magbago lalong dumarami ang masasama sa susunod hindi na bagyo,baha,malakas na ulan ang parusang darating,kundi uulan na ng apoy sa mga bansang madaming masasamang tao at tiyak isa na dyan ang pinas dahil sa sangkaterbang kampon ng demonyo.

ang tamaan demonyo,syimpre magagalit!
#56 pepe on 2009-11-25 14:38 (Reply)
why-why delailah..

Nag kakawindang windang na blog mo..e Pinoy karin pala tapos sisirain mo kapwa mo..
Kung kokontra ka magpalit ka muna ng nationality mo..talagang nakakahiya ka..may pa tamaan demonyo kapang nalalaman..

Ang istilo ng blog mo yun bang tinamaan ng "kanan" palang ni Pacman..kaya hilo kana..Pinoy ka pala..lol..umayos ka nga..sasali sali ka dito halatang halata pang gulo kalang..

Sa istilo ng blog mo nababasa na ang pag uugali mo..demonyo daw.. alam mo sasabihin ko sayo..ang mga mambabasa dito may marunong bumasa ng pag uugali ng tao sa mga isinusulat palang..

Ikaw sa tingin mo ok yang blog mo..may pa demonyo demonyo kapa..
#57 pepe on 2009-11-25 15:00 (Reply)
why-why-whaay-delilahh

Saan ka kukuha ng apoy..bumili ka muna ng gas at posporo tapos sindihan mo,yon ang tunay na apoy..... yung sinasabi mo ewan ko sayo...desperado kana pati yung nababasa mong apoy ginagamit mo bilang panagalang makapag komento kalang..uulan ng apoy..ikaw ang nag aapoy na sa galit..yan ang tunay na init ng ulo mo ang may apoy..

Umarkila ka ng helicopter tapos bumili ka ng maraming bote lagyan mo ng tela (mitsa) tapos sindihan mo isa isa at ihagis mo..yan ang tunay na umuulan ng apoy..naiintindihan mo..

May pa apoy apoy kapang nalalaman pati apoy ginagawa mong taguan at panangalang baka ikaw ang masunog sa ginagawa mo ewan ko ba sayo pati demonyo ginagamit mo..ano isusunod mo pang cover..

Gandahan mo cover mo pag kaliwa ni Pacman ang tumama sa sayo TKO ka..
#58 TKO on 2009-11-25 15:12 (Reply)
mga demonyo nandoon sa maguindanao.ayaw magkaroon ng karibal sa katungkulan at kapangyarihan....karumal-dumal ang ginawang pagpatay sa mga kababayan natin doon...MGA KAMPON NI SATANAS...MGA DEMONYO!!!!
#59 montoya on 2009-11-25 15:50 (Reply)
why on? bakit nga ba why on ka? e di ka pa pinapanganak sa mundong ibabaw e tinagurian nang SPORTS ang BOXING at yan e TANGGAP NA NG BUONG MUNDO!!! nasa OLYMPICS pa nga yang sports ng Boxing kung di mo alam!!! kung ganun di lahat ng bansa na tumatangkilik ng Boxing ay mga demonyo na rin aba di kakaunti na lang pala ang mabuti dito sa mundo at malamang di lang Pilipinas ang mapaparusahan nito!!! ang TAE KWAN DOO, KARATE at iba pang mga tinagurian FULL CONTACT SPORTS sa Demonyo rin??? di ba ang Tae Kwan Doo nasa Olympics din e sakitan ding matatawag yan katunayan NAGSISIPAAN PA NGA MGA KASALI DYAN!!! Hay talagang mapapa-why on why on ako sa imo!
#59.1 why on 2009-11-25 17:00 (Reply)
sad but true,there are more evil people than good people that truly obey God.

in this world of evil,many choose to follow evil instead to follow God.

yes,ever since God created Adam and Eve,the rebel angel called "Lucifer"started playing villain against God,so don´t wonder if there were many evil before we were ever born,its a fact that evil exist before us and evil a lot older and wiser than mankind but God loved mankind that´s why He died on the cross for us to let us know,we´re forgiven for our forgiveable inequitities if we accepted Him as our personal saviour.

although may i remind you,not all kinds of sin are forgiveable,like those sinful acts you already knew its a unforgiveable acts but still you did so,for sure you already knew you belong to hell,at wag ka ng umasa pang patatawarin ka ng Diyos dahil ang mga ganyan kasalanan ay wala ng kapatawaran kahit ilan beses ka pang magpabinyag at tanggapin si Hesus Kristo hindi na mapapatawad ang kasalanan mo.

if you were God,will you forgive those sinners committed unforgiveable acts?

in God Kingdom no more evil=live people,kaya wala ng magpapatayan doon dahil lahat ay pawang mga banal na nilalang na lang ang maninirahan.

wala ng magugutom,wala ng mauuhaw at wala ng magnanasa ng anupaman dahil ang lahat ng maliligtas ay kuntento na sa buhay sa piling ni Hesus Kristo.

ang kaharian ng Diyos ang daan ay mga ginto at ang pader na nakapaligid doon ay pawang mga mamahalin bato kaya bawal ang magnanakaw sa Langit dahil tiyak di nila matitiis na wag nakawin ang mga mamahalin pondasyon ng kaharian ng Diyos,magkakagulo na naman nyan sa Langit at tiyak ihuhulog na lang ng Diyos ang sinuman kakalaban uli sa kanya dito sa planetang ito para tuluyan ng masunog sa impyerno.

kaya hinahayaan pa naman ng Diyos mag-enjoy ang mga tao dahil kaya pa Nyang pagpasensyahan ang pinaggagawa ng mga tao,at kung hindi na Nya matanggap wawakasan na Nya ang planetang ito.

Sun is watching this planet,if Sun is God,for sure He see everything each of us doing.

God said,He is the light of this world,therefore Sun is God for He is the one that provides light to this world and the moon playing like a demon,showing his light once in a while but not capable to sustain lights for every livingbeings,at ganon ang binibigay ng demonyo sa mga taong sumasampalataya sa kanya,make them rich so they forget about God and makes them poor again once they cling to God.

sa totoo lang karamihan ng yumayaman dito sa mundo ay mga kampon ng demonyo at mga taong mahihirap karamihan ay biktima ng mapaglarong tao na kampon ng mga demonyo.

sa obserbasyon ko sa mga mayayaman kaya talaga sila yumayaman dahil demonyo ang kanilang panginoon.
#60 why on 2009-11-25 15:57 (Reply)
pepe,peper,peperoni ayos name mo di ba?

kita mo na kung hindi kayo kampon ng demonyo hindi kayo masisiyahan sa bugbogan ng mga tao,hindi kayo magpapatayan,hindi maglolokohan tapos sasabihin mo hindi kampon ng demonyo ang mga yan,kung hindi sila kampon ng demonyo hindi sana sila matutuwa sa ganyan mga brutal na laro o patayan laro.

about "rain of fires"maghintay ka lang darating yan,sa ngayon hindi pa naman galit na galit ang Diyos kaya pinapasensyahan pa Nya ang mga kademonyohan pinaggagagawa ng mga taong kampon ng demonyo.

to see is to believe kaya hindi kita pipilitin maniwala sa mga pinagsasabi ko,dahil mga pilosopong taong gaya mo hindi naniniwala sa doktrina ng Diyos.

kung ayaw mo magbago at sumunod sa kagustuhan ng Diyos,dyan ka na lang sa amo mong demonyo magsama kayo sa impyerno ng mga kapwa mo demonyo.
#61 montoya on 2009-11-25 16:08 (Reply)
Sabi din na JUDGE NOT AND BE NOT JUDGE! Huwag kang MANGHUSGA AT NG DI KA HUSGAHAN! DI LANG SA BOXING SINUSUKAT kung pupuksian ang sanlibutan kungdi sa kung ano ang nasa loob ng PUSO ng bawat isa! kung boksingero ang isang tao at minalas syang yun lang kayang ipakita ng edukasyon nya meaning kung salat siya sa pinag-aralan at tanging pag boboksing lang ang kanyang hanap buhay pero matulungin naman sya sa kapwa nangangahulugan ba na isa syang demonyo? nagtatanong lang po why on?
#62 montoya on 2009-11-25 18:39 (Reply)
if you were God,will you forgive those sinners committed unforgiveable acts?
Yes He did! Kilala mo ba si Paul sa Bibliya sa New Testament? Dati syang si Saul noong MAKASALANAN PA SYA AT SYA PA ANG DAHILAN NG PAGKAKAPATAY SA LIBO LIBONG MGA KRISTIYANO NOONG PANAHON NINA CAESAR NG ROMA. MARAMI SIYANG PINAPATAY NG MGA INOSENTENG KRISTIYANO PERO PINILI SYA NG DIYOS PARA MAGHAYAG NG MABUTING BALITA TUNGKOL KAY HESUS AT EVENTUALLY NAGING KRISTIYANO SIYA AT NAGING ALAGAD PA NI HESUS! YUNG DALAWANG NAPAKO SA KRUS KASABAY NI HESUS ISA DUN ON THE SPOT PINATAWAD NYA!
Matuto tayong MAGPATAWAD AT PATATAWARIN DIN NG DIYOS! BASAHIN MO YUNG MAGUINDANAO MASSACRE AT DUON MO ITUON YANG PANSIN MO AT WAG KE PACQUIAO! DUN SA MAGUINDANAO MASSACRE PWEDE MONG SABIHIN LAHAT NG TUNGKOL SA KADEMONYOHANG PINAGSASABI MO DITO DAHIL TALAGANG KADEMONYOHAN ANG NANGYARI SA MAGUINDANAO MASSACRE!

No comments: